CHAPTER TWO
Nagulat na lamang si TEKLA ng hinahabol siya nung nakamaskarang lalaki. Hinatak ang buhok at pilit dinadala. Nagsisisgaw si TEKLA sa sakit habang hatak hatak ang kanyang buhok.Pilit na itinayo ng Nakamaskara si Tekla. Nang makatayo si Tekla ay takot na takot itong sumandal sa isang puno.binunot ng nakamaskarang lalaki ang baril at itinutok kay Tekla sabay putok ng baril. Bang!!
Hapon na ng biglang magising sya sa lugar nayun ng dahil sa panaginip.Uhaw na uhaw si Tekla tumayo siya at nghanap ng tubig. Di nya mawari kung saang lugar sya napadpad ang tanging natatandaan na lamang nya ay ang masaklap na ngyari sa mga magulang nya.unti unti pumatak ang mga luha nya sa mata.
TEKLA: Itay! Inay huhuhuhu.papano nako ngayon Itay,Inay huhuhu.
Sa kanyang pag-iyak isang tinig sa likuran nya ang Ngsalita na ikinagulat nya.
''Wag kang Mgalala tekla akong bahala sayo'.
Tekla: ay Teklang Kabayo.!” Gulat si tekla. Sino ho kayo tanong nya sa matandang babaeng mahaba at amputi na ang buhok..”Ako si KATERYANG HILOT Tekla'
TEKLA:ah ganun ho ba? Nasaan ho ba ako?
KATERYANG HILOT:Andyan ka tanga! Asan ka ba sa palagay mo..
TEKLA:ngek! Saang lugar ho?
KATERYANG HILOT: Sa Bahay ko.
TEKLA: Bakit nyo po ako dinala dito?sana hinayaan nyo na lang akong mamatay. Nagiisa na lang po ako sa buhay namatay na mga magulang ko.huhuhuhu!
KATERYANG HILOT: hindi ka pa pwedeng mamatay Tekla. Marami ka pang dapat gawin at malaman sa iyong tunay na pagkatao.hayaan mong kuwentuhan muna kita.
TEKLA:ganun po? Kilala nyo ko?
KATERYANG HILOT: OO Tekla! Kilalang kilalang. Ako ang nagpaaanak sa iyong ina noong ipinagbubuntis ka pa nya.Sa di sinasadyang pagkakataon hinde ko nasabi sa mga magulang mo ang tunay mong pagkatao.
Umupo si tekla at nakinig sa matanda.
KATERYANG HILOT:Noong ipinanganak ka isang pangyayari ang naganap sa sangkatauhan.Ang tagapagbantay ng mundo ay nasawi laban sa masasamang nilalang na gustong sakupin ang ating mundo. Sa di sinasadyang pagkakataon nasa kanya ang susi upang maging mas malakas ang mga ito,hindi pinayagan ng tagapagabantay na makuha nila ang hiyas sa kanya.At nung araw ding iyon ikaw ay ipinanganak ngpasya ang tagapagbantay na sayo isalin ang hiyas.' hbang inuubong ipinaliliwanag ang lahat
TEKLA: ho? Anong hiyas? Sabay silip sa panloob nya? Ito ho ba?
KATERYANG HILOT: Sira! Baliw! hindi yan ang sinasabi ko! Makinig ka muna.'
TEKLA:ah ok po sige. Kala ko yun eh” sabay kamot sa ulo
KATERYANG HILOT: ayun nga ngpasya ang tagapagbantay na sayo isaalin ang kanyang kapangyarihan.
TEKLA:ho? Anong kapangyarihan?
KATERYANG HILOT: Ang Kapangyarihan ng mahiwagang LATIK.
TEKLA: ho? Ano yun?ano hong kapangyarihan ng mahiwagang Latik? Teka pano nyo nalaman ang lahat ng ito?
KATERYANG HILOT:nung araw kasing iyon aking nasaksihan ang paglipat ng kapangyarihan nya sayo.at ng ako'y lumisan ako'y kanyang kinausap na sana ay manatiling lihim ang lahat hanggang sa dumating ang araw na ika'y lalaki nat magkakaedad.kaya ako dito sa kagubatan ako namalagi upang ang lihim ay ang aking maingatan at ako'y hinahabol ng mga alagad ng kadiliman.at sa tingin ko ay eto na ang tamang panahon upang malaman mo kung pano mo makukuha ang kapangyarihan.
Habang patuluy na ngkukuwento si KATERYANG HILOT ay papunta nman ang mga alagad ni DON MAYOR sa kanilang lugar.sa tingin kasi nila'y buhay pa si TEKLA.kaya t hinanap nila ito.
TEKLA: pano ko ho makukuha ang kapangyarihan na iyon?
KATERYANG HILOT: ang sabi sa akin ng tagapagbantay ay sa oras na dumating na ang mga alagad ng dilim kusang mgliliwanag ang HIYAS. Isubo mo ito at isigaw ang iyong pangalan.
TEKLA:ho? Anong HIYAS po iyon Lola?
Pero bago nakasagot si KATERYANG HILOT ay pumasok na si NAKAMaskara1 sa kubo. Nagulat ang dalwa sa pangyayari.
NAKAmaskara1: Mga pare andito nga si TEKLA buhay pa sya,'' sabay pasok ng dalawang nakamaskara.
Nakamaskara2: Andito ka lang pla TEKLA pinagod mo kmi.
Nakamaskara3: Mamamatay ka na Ngayon.
Inilabas ni Nakamaskara2 ang baril at sabay tutuk kay TEKLA.pero bago naiputok ang baril ay naharangan ni KATERYANG HILOT ang bala ng baril at ang bala ay tumama sa matanda.Tinamaan sa dibdib si KATERYANG HILOT at duguang humandusay sa harapan nito.
KATERYANG HILOT: Tekla tumakas ka na? Di ka pwedeng mamatay.ikaw ang mgliligtas sa sanlibutan..
TEKLA:KA Terya pano ko ho malalaman ang HIYAS huhuhu..iyak na sambit ni Tekla
KATERYANG HILOT: ang HIYAS Ay ang iyong ahhh” at si Ka TERYA ay nawalan ng hininga.
Nakamaskara1: ang bobo mo namang tumira! Ako na nga dyan amina yang abril
Nakamaskara2: oh sige ikaw na oh.
Nang aktong babarilin si TEKLA ay nawalan nman ito ng Bala. dali daling tumalon si TEKLA sa bintana at tumakbo sa lugar. Isang umaatikabong takbuhan ang nangyari. Pagod na pagod na si TEKLA at mukhang di na nya kakayanin pang tumakbo.nagtago sya sa mga puno upang di sya makita.nakaiwas si TEKLA sa mga humahabol sa kanya.at ng makita nyang malayo na sila nagiba sya ng daan, at sa kanyang paglalakad nakarating sa kapatagan nakakakita sya ng Karetela na puno ng prutas at gulay na wari niya'y dadalhin sa kabayanan.ng walang nakakakita siya'y nagtago sa karetela. Sa tingin nyay mahaba haba pa ang byahe buti na lamang at siya'y nakakain sa mga prutas. Kung kaya't siya'y nakatulog sa pagod..
Sa mansiyon ni DON MAYOR ay nagakakagulo ang lahat ng malamang nawawala si JEPOY sa kanyang kuwarto:
KATULONGNA SEXY1: Ser! Wla man gid si ser jepoy sa kanyang kuwarto. Di namen makita ser.
DON MAYOR:hay naku sabay pisil sa hita ng katulong asan na kaya ang anak ko?
KATULONGNA SEXY1: Ser oo nga po, sana nasa mabuti syang lagay. E ser kuwan!
DON MAYOR:Ano?
KATULONGNA SEXY1: yung kamay nyo ho nasa hita ko.
DON MAYOR: ay patawad iha. Sige balik ka na sa kuwarto ko. Este sa kuwarto” sabay punas ng pawis sa NOO.
Sa di kalayuan ay nagtatago si JEPOY sa isang sulok,JEPOY: kailangang mahanap ko si Tekla,Gusto kong mlaman nya na walang kinalaman si ama sa ngyari.Mapapatawad kaya ako ni Tekla sana hindi nya alam na si ama ang ngpapatay sa mga magulang nya, at walang kasalanan si ama. Kailangang makausap ko si Tekla. Sana buhay pa siya.oh Tekla asan ka na ba?.
Link to Chapter 3:
http://angalamatnitekla.blogspot.com/2012/08/si-tekla-at-ang-mahiwagang-latik.html
Link to Chapter 3:
http://angalamatnitekla.blogspot.com/2012/08/si-tekla-at-ang-mahiwagang-latik.html
No comments:
Post a Comment