Monday, August 6, 2012

Si Tekla at ang Mahiwagang Latik


CHAPTER THREE

Habang naglalakad si jepoy di nya mawari kung saan siya patungo.Sa kanyang paglalakad sa Parke nakasalubong nya si Lukring.matamang nagkatitigan ang dalawa.Iiwas sana si Jepoy pero hinarang sya ni Lukring, sabay hawak sa kamay nito.

Lukring: Saan ka pupunta?
Jepoy: Wala ka na doon.buset!
Lukring: Siguro hahanapin mo si Tekla noh? Wala na sya patay na sya!
Jepoy: hindi pa patay si Tekla! Buhay pa sya.
Lukring : bat ba gnyan na lang ang pagpapahalaga mo kay Tekla ha? Kaya tayo nagkaganito ng dahil sa babaeng yan eh kaya tayo nagkahiwalay.''

At biglang naalala ni Lukring ang mga panahon na masaya siya sa piling ni Jepoy. Likas na maganda si Lukring mula pagkabata kaya marami ang nahuhumaling dito at isa na nga si Jepoy dito.Pero sa kabila ng kagandahan ni Lukring ay sya nmang kapangit ng ugali nito, porket kaibigan ni jepoy si Tekla ay lagi na lamang niya itong inaapi.Isang araw ng di na nakayanan ni Jepoy ang mga pinagagawa ni Lukring kay Tekla kung saan ibinitin syang patiwarik sa ilalim ng sampaloc. Awang awa si Jepoy noon kay Tekla kung kaya't minabuti na lamang nyang makipaghiwalay kay Lukring upang maprotektahan ang kaibigan. Ang akala ni Jepoy ay matitigil na ang pananakit ni Lukring kay Tekla.Dun pa lang pala naguumpisa ang lahat.

Jepoy: Pwede ba Lukring tigilan mo na ko tapos na tayong dalawa. Di ko ka maatim ang kasamaan mo.
Lukring:Pagsisihan mo ito Jepoy. Walang ibang makakaangkin sayo kungdi ako.

Sabay talikod at iniwan si Jepoy.At unti unti pa ring iniisip ni Jepoy kung saan nya makikita si Tekla.alalang alala na siya sa kanya.Sa kanyang paglalakad bigla siyang may naapakan na kung ano. Tae ng kalabaw ang naapakan nya.At bigla nyang naalala ang unang araw ng pagkikita nila ni Tekla.Inaaway si Tekla nun at nasubsob ang mukha sa tae ng kalabaw.awang awa sya nung araw na yun kaya't sya ay tumulong.hindi maitatanggi ni Jepoy na sa kabila ng lahat pagmumukha ni Tekla ay umiibig sya dito.kung kayat ang dalangin nya sanay buhay pa ang kanyang minamahal na Tekla.

Samantala nagising na lamang si Tekla.sa sigaw ng isang Mama..
Mama:“Anak ng tokwa bat dyan ka natulog ha? At inubos mo pa ang mga paninda ko ha? Gumising ka nga dyan” sabay tayo ni Tekla.
TEKLA: Pasensya na po kayo mama. Babayaran ko na lamang po ang mga nakain ko” sabay dukut sa bulsa. Naalala nya wala pala syang dalang pera. “Mama wala po pala akong dalang pera. Pasensya na po”.

MAMA: Anoooooo? Ang lakas mong lumamon sa mga paninda ko wala kng pambayad gusto mo pang ipakulong kita ha?.
TEKLA: “Wag ho mama parang awa nyo na. Gutom na gutom lang po ako.. Maawa na po kayo saken” maluha luhang sambit ni Tekla.. mabuti na lamang at mabait ang mama kaya pinagbigyan sya.

MAMA: “Ang mabuti pa tulungan mo na lamang akong magbuhat ng mga paninda ko bilang kabayaran sa mga nakain mo. Ano? Okey ba sayo yun ha?”
TEKLA: “Talaga po? Sige po, Sige po”. Habang ngbubuhat napansin ni Tekla na Di mabuhat ng mama ang isang tiklis ng prutas dali dali tinulungan ni tekla ang mama sa kanyang pagtataka ay nabuhat n a lamang ni Tekla ng ganoon kadali ang isang tiklis ng prutas. Maang napatingin ang mama sa kanya. “
Mama: Wow ha. Sa dami ng nalamon moh Nakaya mong buhatin yan. Huh?.
Kahit si Tekla ay nagulat na lamang din sa kanyang sarili kung bakit nabuhat nya ang ganoong kabigat na prutas.

Wala pa ang isang oras eh natapos na nila lahat ng mga bubuhatin.

Mama:" Hay natapos din.. o dahil naging mabait ka sa akin at tinulungan mo koh. heto para sayo". sabay abot ng isang plastic ng prutas kay Tekla.
Tekla: "Maraming salamat po mama." sabay lakad palayo. 

Sa kanyang paglalakad ni Tekla ay di na nya mawari kung saan sya patungo,Lakad dito, Lakad doon.at ang ulan ay bumuhos ng napakalakas, Nagtatakbo si Tekla, at sya'y basang basa na sa ulan,Takbo ulit sya naghananap ng masisilungan at sya'y nadapa sa putikan, punung puno ng putik ang katawan ni Tekla.Sa kanyang pagtakbo ay may naaninag syang isang kuweba.

TEKLA: "Hmmm. mukhang okey na ang kuwebang yun na masisilungan.". 
Pumasok si Tekla sa kuweba.
At sa kaniyang pagninilay nilay sa loob ng kuweba, naalala nya ang kaniyang mga magulang. Naalala nya ang mga masasayang araw na kasama nya ang mga ito. At Sa isang sulok ng kaniyang mga mata. Pumatak ang kanyang mga nakakabagbag damdaming luha. Sabay singhot sa palabas ng sipon..
At sa kanyang pagkakatitig sa labas ng kweba. Ay Biglang kumulog at kumidlat.

TEKLA: AYY KABAYONG BAKLA!!! sabay pasok sa pinakagitna ng kweba.
At sa nagaalburutong kulog at kidlat, ang Patak ng ulan sa dalampasigan at pati ang pagagos nito at ang mga palakang nagkalat sa paligid, waring ang mga tunog lang na iyon ang maririnig. At si TEKLA'Y Biglang nakatulog......


KINABUKASAN..

Maagang nagising si TEKLA upang maligo. Nagtago muna sya sa Kuweba habang basa pa ang damit nya at hinihintay nya itong matuyo. At ng matuyo ang damit ay inumpisahan na nyang maglakad. Malayo malayo na rin ang kanyang nalalakad ng nakaramdam sya ng gutom. hindi na nya maalala kung saan nya naiwan ang isang plastic ng prutas na bigay ng mama kahapon, Naghanap hanap sya ng makakain sa mga puno na makikita. sa kakalakad nya may nakita syang isang bungkus ng hinog na saging.


Habang si Tekla ay Naglalakad sa Gubat,sya ay naligaw,
Binaligtad nya ang kanyang damit para di sya maligaw sabi nga sa kasabihan na natutuhan nya sa kanyang ama.
Ang di nya alam ay may isang strangherong nagbabantay sa kanya sa itaas ng puno
Habang Pinagmamasdan nya si tekla na ngappalit ng damit.
Eksakto namang namali ang apak nya sa isang sanga ng puno.
At syay nalaglag sa ibabaw ni TEKLA na nakahubo.
Sa kanyang pagkakalaglag si TEKLA ay  nadaganan ng  paharap.
At sa kanilang pagbagsak mataman silang nagkatitigan.
Mata sa Mata, Muta sa Muta.

At sa isang iglap ang mundoy nilay tumahimik.
Mga huni ng Kuliglig at mga Palaka ang maririnig sa paligid.
Namamalaka pala itong si Teroy at binebenta sa bayan.
At sa kanilang katahimikan Habang nagkakatitigan .
Isang Palaka ang bumasag sa tagpong iyon.

Tumalon ang pAlaka. Sakto sa bungaga ni Tekla. KUkak! Kukak! KUkak!
Naduwal si Tekla "gwwarrrkkk!!!. At bumalik sila sa katinuan ang dalawa.
Napagtanto ni Tekla na syay nakahubo pala.
Sumigaw sya.

TEKLA: "AAhhhhhhh! Manyakis! Manyak! Manyak!" Natakot Ang lalaki, Nagtatakbo, Nadapa,Pumara ng Taxi
Ay wala palang taxi :). Tumalon sa ilog at lumipat sa kabilang pampang ng ilog.
Ng Mahimasmasan Si Tekla at nakalayo na ang lalaki.
TEKLA: "Buwisit na lalaki yun.Manyak lang. hmmmmppp. In Fairness"... Sabay pacute.. "Type"
Sabay ngiti ng kanyang mga labi..

TEKLA: Sino kaya ang lalaking yun? Ang Pogi Pogi nman nya. Di ko alam pero nung magtama mga mata namen parang nawala ako sa sarili ko" sambit ni tekla sa kanyang sarili habang minmasdang palayo ang lalaki.gulat na lamang ni Tekla  ng makaahon sa tubig ang lalaki ay kinawayan sya nito at pinaliparan ng Halik. Kunwari'y naiinis na tumalikod sya pero sa dulo ng kanyang mga labi eh may isang ngiting namutawi sa kanyang labi. Grabe!! ha! haba ng hair moh ;)


Samantala sa kabilang pampang nman habang nakatingin ang lalaki sa Papalayong si Tekla. Di nya lubos maisip kung bakit ganun na lang ang naramadaman ng binata sa dalaga. Si TEROY. Ang lalaking babago ng buhay ni Tekla.

Sa kakalakad ni Tekla may namataan na syang isang barangay. Ang Barangay  Juan For All, All For One,. Joke. :). Ang Barangay Balasubas. Bakit? basahin nyo hahaha.

Nagugutom na naman siya at nauuhaw.
Tekla: Ilang oras na ba akong naglalakad sa gubat na yun. Hay nku sana lang malapitan man lang ako dito..

Sa kanyang pagpasok sa barangay napansin nyang parang walang babaeng nakatira sa lugar at puro mga kalalakihan ang kanyang nakikita. Nang may makita syang matandang babae sa isang tindahan. lumapit sya rito.

TEKLA: Ale!! Galing pa po kasi ako sa mahabang baiyahe, Baka nman po makahingi ng makakain o kahit tubig man lang.

Aleng Karya: Pinagmasdang maigi ng ALE si Tekla medyo may kalabuan na ang mata. " Hmmm teka babae ka ba?.
TEKLA: Opo Ale.

Aleng Karya: Susmaryosep!Joseph! Anong ginagawa mo dito ireng bata ka? di mo ba alam na delikado ang mga babae dito.?

TEKLA: Ho? Delikado? Bakit naman ho?
Aleng Karya: Di mo ba alam kung anung baryo ito?
TEKLA: Hindi Ho? Kayo ho alam nyo?

Aleng Karya: Gaga! Syempre tagarito ako. Ang Baryung ito ay ang baryo Balasubas. Sabay abot ng isang basong tubig kay Tekla.
TEKLA: balasubas?

Aleng Karya: OO. iha! at puro kalalakihan ang mga nandito at halang ang mga kaluluwa?
TEKLA: Ho? lalaki lahat? eh nasaan na po yung mga babae dito.
Aleng Karya: Ang mga kadalagahan dito ay napilitang lumisan ang mga iba'y nasawi sa mga kamay nila.

TEKLA: Eh bakit po kayo?
Aleng Karya: Gaga! Matanda nako. Di na nila ako mahahalay.May mga kasama din akong matatandang babae dito kami na lang ang natitira.
TEKLA: "eh bat di pa kyo umaalis dito?"
Aleng Karya: "Dahil hinihintay pa namin ang Hula ni Mariang Palad. na may isang taong tutulong at magbabalik ng Baryo Kapayapaan." Kapayapaan ang dating Pangalan ng baryo ngunit ito'y napalitan nang dumating ang mga grupo ni Badong.
"Pero teka iha pumasok ka na muna dito bago ka pa makita ng grupo nina badong."
Papasok na sana si Tekla sa kubo pero may nakapansin na pala sa kanya.laking gulat na lamang nya nang bigla syang buhatin ng isang lalaki. 
Nagsisigaw ang Matanda.

Aleng Karya: "Mga walanghiya kayo,mga anak ni Satanas," sabay kuha ng walis tingting at ipinaghahampas si Tonyo. Ang Dakilang manyak.
pero di pa rin natitinag si Tonyo. binuhat si Tekla ni Tonyo at dinala sa lugar nina Badong. Ang Hari ng kamanyakan. Si Badong.
Badong: Hoy Tonyo.Sino yang dala mo ha?" Ibinaba ni tonyo si Tekla sa mesang iniinuman nina Badong, mahigit sampu sila.
Tonyo:Miryenda boss hahahah.. 

Badong: Wow. Ang sexy nyan ah.. habang sabik na nakatitig kay Tekla.Sampu ng mga kasama  nito.
Nagsisigaw si Tekla habang pilit syang tinatali sa magkabilang kamay..
TEKLA: ahhhh Bitawan nyo ko. mga hayup kayoooo.
Nakalaalpas ang isang kamay ni Tekla, sinampal ni Tekla si Tonyo. sapul sa pgmumukha si Tonyo. Sabay sipa kay Badong. Tinamaan ang badong ni Badong ahihi. Sabay takbo ni Tekla.

Tonyo: Boss Sapul ata? iwww
Badong: Mga gago! habulin nyo wag nyong hayaang makatakas..
Tumatakbo si Tekla. Hinahabol sya ng grupo ni Badong. Nang Biglang madapa si Tekla. Inabutan sya ng mga tauhan ni Badong. Nahawakan ulit sya. nagpupumiglas si Tekla. naninipa, nananabunot at sa isang iglap may isang pamilyar na lalaki ang Dumating. SI TEROY.

Lumipad si Teroy Sabay Sipa. Nagmintis. Sapul ang mukha ni Tekla. nakatulog si Tekla.
At nakipag buno nman si Teroy. Sadyang malakas si Teroy. Sipa dito Tadyak doon. walang hinde nakakatulog pag hindi tinamaan ni Teroy. Hanggang Sa silang dalawa ni Badong ang naglaban.Susuntok si Badong, naiwasan ni Teroy. Sumipa si Teroy sapul ang mukha ni Teroy. Bumangon si Badong  isskor ng left hook mintis ulit, right upper cut ni Teroy sapul sa panga si Badong, Sinabayan ng left Jab. duleng ang inabot ni Badong. at umigwas ng isang Flying Kick. talsik si Badong sa putikan. Tulog.
Nagtatakbo ang mag grupo ni Badong. habang hila hila si badong.
TEROY: Wag na kayung babalik dito mga gago kayo. Pag nakita Ko pa kayo dito di lang yan ang aabutin nyo.Sabay batok sa iang patakas na isa..

Nilapitan ni TEROY si TEKLA.
TEROY: Miss? miss? sabal tampal ng pisngi ni Tekla. Ngunit lubhang napuruhan at marahil sa pagod ay nakatulog si Tekla.Tinulungan sila ng ALE at dinala ito sa kanyang kubo


Gabi na nang magising si TEKLA dahil sa alog ni TEROY sa kanya.Nagising Si TEKLA,Nagulat.
TEKLA: ahhhh manyak! Manyak. Sabay Sampal kay TEROY. PAK!!
TEROY: Aray ano ka ba? Ang sakit nun ah. Kaw na nga tong tinulungan kaw pa tong nananakit.
TEKLA: Doon Napagtanto ni Tekla kung ano ang nangyari at naalala nya na si TEROY pala ang tumulong sa kanya.

Biglang pasok naman ni Aleng Karya. 
Aleng Karya: Buti nman at gising ka na.bangin na dyan at ng mainom naman kayo ng mainit na sabaw.
Tatayo na sana si Tekla ng bigla syang alalayan ni TEROY. 
At silay nagkakatitigan ng malagkit mata sa mata. At Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni TEKLA. Habang naktingin si TEROY ay parang lumalapit ang mukha nya sa mukha ni TEKLA.. Sabay pindot sa ILong ni Tekla.

TEROY: ang kyut kyut namn ng ilong moh.. hmmmmm. Isang maliit na sampal ang iginanti Ni TEKLA sa pisngi ni TEROY. 
TEKLA: Tara na nga hinihintay tyo ni lola.

Habang Kumakain di maiwasang mapatingin ni TEKLA kay TEROY. Lalaking lalaki si TEROY. matipuno ang katawan, mala adonis ang pagmumukha, kung kayat sa bawat tingin ni Tekla kay Teroy ay isang matamis na ngiti ang iginaganti ni TEROY.Ngunit sa dako ng puso't- isip nya ay sa Jepoy pa rin ang hinahanap nya.

TEKLA: Sabay bulong sa sarili. "Jepoy! nasaan ka na" nangigilid na ang luha ni Tekla, pagkat naalala nya ang lalaking unang minahal nya......









No comments:

Post a Comment