Si TEKLA at Ang Mahiwagang Latik
Lugar: Barrio MaLatik
Mga Tauhan:
Ka Tukne – Ama ni TEKLA
Aling Bebang- Ina ni TEKLA
Kulasa- kaibigan ni TEKLA
Berto – Kaibigan ni TEKLA
Jepoy – Ang lalaking iniibig ni TEKLA
Lukring – karibal ni TEKLA kay jepoy at magiging kaaway ni TEKLA
Don Mayor – PinakaMayaman sa Lugar Malatik.
Popo - Mga alaga ni TEKLA na may tinatagong lihim
Peggy – Mga alaga ni TEKLA na may tinatagong lihim
Lola – Ang mahiwagang kaibigan ni TEKLA
Gorio – Kaibigan ni tukne
TEKLA – Ang babaeng may nunal sa ilong
TEROY - Ang Lalaking Estranghero sa Buhay ni TEKLA
CHAPTER ONE:
Hapon na ng matapos sa pagsasaka si Tukne. Hapong hapo sya at nagugutom na kung kaya't sya ay ngpahinga muna at mga kasama nya.
Tukne: Tara na mga kasama! Silong muna tayo at mgpahinga mahaba haba naman itong nasasaka natin.
Gorio: oo nga tara.
Kasama1: ok cge tara na at nagugutom na rin ako..
habang sila'y nagpapahinga pagkatapos kumain, biglang dumaan naman ang tinderang si Bebang.laking tuwa ni tukne ng makita si bebang, lingid sa pagkakaalam ni bebang may lihim na pagtingin sya rito.
Bebang: Kalamay! Kalamay kayo dyan.o mga kuya! Panghimagas oh.. kalamay na malagkit.
Gorio. Oh Tukne kalamay daw oh.Naninigas ka na naman dyan. Para kng nakakita ng multo.
Sabay tawanan ng mga kasamahan ni tukne.kinakantyawan siya na manlibre nman.
Gorio. Bibilhin daw lahat ni tukne yan bebang.di ba Tukne?
Tukne. Ha?
Gorio:'Di ba sabi mo kukunin mo ng lahat yan para di na mapagod si bebang?'. Sabay siko kay Tukne.
Tukne: “ah! oo. Cge' .na parang napipilitan lang
Bebang: Ay Salamat sayo Tukne ha? Dahil sayo na di na ko mapapalayo.
Tukne: ah eh!ok lng yun Bebanag'. Sabay kamot sa ulo.
Habang inaabot ni Bebang ang mga kalamay kay Tukne. Matamang nakatitig sa mga mata ni Bebang.At sa pag-abot ng mga kalamay di naiwasang napahawak ang kamay nya sa kamay ni Bebang.di mawari ni Tukne kung bakit di nya maalis alia ang kamay nya.At biglang ngkantyawan ang mga kasamahan ni tukne..
Gorio: Tukne. Kalamay daw yung abutin mo. Di yung kamay hahaha!.
Doon lamang nagkamalay si tukne.
Tuken:Ay Pasensya na Bebang!
Bebang: 'Ok lng yun Tukne'! Sabay ngiti ng matamis. 'ah cge mauna na ko sa inyo ha?
Tukne: ah ok sige! Ingat na lang.' at bigla na lamang bumulong si gorio
Gorio:Pare! Ano ka ba? Pagkakataon mo na yan para mgpaalam sa knya?
Tukne:Magpaalam?di naman ako aalis ah?
Gorio: Sira, magpaalam para bumisita sa bahay nila.
Tukne: ah ganon ba? Ay Pare nahihiya ako eh.
Gorio: Sira torpe talaga nito! Ako'ng mgsasabi sige. Ah Bebang nga pla may ibig sabihin itong si Tukne sayo.
Sabay harap ulit ni Bebang.
Bebang:ano yun Tukne?'
Tukne: ah eh, kasi! Ano! Kuwan! Ah.ano nga ba yun.
Gorio: hay nku. Kasi bebang kung maari daw bang pumanhik ng ligaw si Tukne sayo mamayang gabi.
Bebang: ah yun lang ba? Ok sige.agahan nyo nalang ang pagpunta ha? Maaga kasing natutulog sina tatang at nanay.''
Gorio: ah ok cge. Oh Tukne narinig mo? Agahan mo daw!hahaha
Bebang:o sya! Ako'y lilisan na ha? Mauna nako sa inyo.. sabay talikod at napangiti. Ang lingid sa kaalaman ni Tukne siya ang lalaking gusto ni Bebang.
At nang gabi ding yun. Napagpasyahan na ni tukne na ipagtapat talaga kung ano ang nararamdaman nya para kay Bebang.
Tukne: ''Sana hindi mauwi sa wala ang Lahat''. Sabay lakad papunta kina Bebang.
At habang si Bebang ay nghihintay di nya mawari kung ano ang nararamdaman nya ngayon.Alam nya sa sarili nya na mahal na niya si Tukne, At ngayong gabi ring ito ay ipagkakaloob na nya ang matamis nyang oo.bigalng dating nman ni Tukne.
Tukne: tao po! Magandang gabi poh!' Sabay tingala sa may bintana ni Bebang
Sabay labas naman ni Ka Isko ang Tatay ni Bebang
Tukne: Mang Isko magandang gabi po! Ako po'y napadaan at gusto po sanang bisitahin si Bebang kung inyo pong mamarapatin.
KaIsko: Ah ganun ba Tukne? Walang Problema iho basta ikaw.dine pasok ka' sabay pasok ng pinto.
Tukne: maraming salamat ho mang Isko.nga pla eto po pang himagas nyo ahehe.'' sabay abot sa bote ng lambanog.
KaIsko: yan na nga ba sinasabi ko eh' di ka nakakalimot eh. Kaya nga ba gustong gusto kitang maging manugang eh..hala pasok ka dine at tatawagin ko na si Bebang,
Tukne: Slamat ho Tay!
KaIsko: ano kamo?!'
Tukne: ah wala ho. Sabi ko Salamat ho,
KaIsko: ah kala ko sabi mo Tay!o sya umupo ka muna dyan!at tatawagun ko lang si bebang
habang nakaupo si Tukne di nya mawari kung ano na ang magiging desisyon ni Bebang sa knya. At biglang lumabas na si Bebang sa Sala at umupo sa tabi ni Tukne;
Bebang: Magandang gabi Tukne!'
Tukne: Mas maganda ka pa sa gabi bebang!'' Sabay ngiti sa knya
Bebang: Ikaw talaga palabiro ka. Habang nangingiti ito dahil sa biro ni Tukne.
At biglang tumahimik ang dalawa, hinihintay kung sino ang unang magsasalita.magsasalita na sana si Tukne ngunit bigla silang nagsabay sa pagbuka ng bibig.
Tukne:ah sige Bebang Mauna ka na may sasabihin ka ba.
Bebang: ah ikw muna sige ok lang.
Tukne: Uhmm bebang alam mo naman siguro kung gaano na kita katagal nililigawan.'' sabay hingang malalim.''gusto mo sanang malaman kung ano na ang lagay ko sayo Bebang?
habanag nakatingin si bebang napagisip isp na rin nya ang mga sinabi ni Tukne na matagal na rin syang nanliligaw dito.
Bebang: Tukne alam kong matagal ka ng nagaalay ng pag-ibig mo kung kaya't napagdesisyunan ko ng..” biglang napatigil si Bebang matamang tiningnan sa mata si Tukne kung ano ang reaksyon nito.
Tukne: ano Bebang ano na napagdesisyunan mo?
Bebang: Tukne nais ko sanang malaman kung gaano mo ako kamahal?
Tukne: Bebang alam mong sa simulat simula ng pagkikita natin ay minahal na kita.Ikaw lang ang minahal ko ng ganito.wala akong ibang hanagrin kundi ang ibigin ka at mahalin ka, buong buhay ko ay inaaalay ko sayo.'' sambit ni Tukne.
Bebang: Puwes kong ganon Tukne. Nais ko sanang malaman mo na sa simulat simula din ay wala akong ibang hinangad kungdi ang mahalin mo ko.Pagkat..” sabay hawak sa kamay ni Tukne..” Ikaw pa lang ang unang lalaking Minahal ko. OO! Tukne mahal kita! Ata sinasagot ko na ang pag-ibig mo.naway wag mo akong paiiyakin. Pagkat di kakayanin ng puso ko kung mawawala ka sa piling ko. Mahal na mahal kita Tukne!
Di malaman ni Tukne kung anong ligaya ang nararamadaman nya ng mga oras na yun. Hindi na tumanggi si Bebang ng yakapin at halikan sya nito.
Tukne: OH Bebang ko di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.ipinangangako kong di ka mgsisisi sa sa akin. Mahal na mahal Kita.!
Dumating din ang araw na pinakahihintay ni Tukne, walang araw na di sila magkasama ni Bebang at hinde naglaon ay Kinasal na sila sa simbahan. Hanggang dumating ang araw na mabuntis na si Bebang. Habang nagbubuntis si Bebang napaglihian nya ang pagkain ng LATIK ng Kalamay kung saan pinapapak nya ito at ginagawang miryenda.
Dumating ang araw na manganganak na si Bebang.Nagsisisigaw ito sa sakit habang tinatawag si Tukne. Eksakto namang kakauwi lang ni Tukne sa bukid ng abutin nya si Bebang sa Kubo at dumadaing sa sakit.Nagtatakbo ito at binuhat si Bebang papunta kina KATERYANG HILOT.
Hindi mapalagay si Tukne Magkahalong Takot at tuwa ang nararamdaman nya, Tuwa dahil sa wakas ay magiging Ama na rin siya, takot dahil lubhang nahihirapan si Bebang sa panganganak.
Ka Teryang hilot: Sige pa Bebang iere moh malapit na siya nakalabas na ang ulo. Ire pa.
Bebang: ahhhh Tukne wlanghiya ka ang sakit.ano iton ginawa mo saken ahhhhhh.
Ka Teryang hilot:Ayan na ere mo pa Bebang. Malapit na sya..
Bebang: ahhhhh ahhhhhh
At lumabas na ang ating bida este ang bata pla.ng paglabas ng bata laking gulat na lamang ng manghihilot kung bakit ganon ang hitsura ng bata. May kagandahan ang bata ngunit itoy tadtad ng nunal sa mukha at ang isa ay sa ilong na ang laki laki na animoy parang Latik sa kalamay ang hitsura. Laking Gulat na lamang ni Ka Teryang hilot kung bakit ang nunal na nasa ilong nya ay umiilaw. Nagliliwanag ito at ang sakit sakit sa mata at bigla na lang nawala ng dumating si Tukne.Laking gulat na lamang ni tukne kung bakit ganoon ang hitsura ng kanyang anak.
Tukne: Ka Teryang hilot bakit ganito ho ang hitsura ng anak ko?
Ka Teryang hilot:Tukne iho may naalala ka bang napaglihian ni Bebang nung sya ay ngbubuntis pa?
Tukne:ah? Meron po Ka Teryang hilot nakikita ko sya na lagi syangb kumakain ng LATIK ng Kalamay''
Ka Teryang hilot: malamang dun nya ito napaglihian.” at biglang nanahimik si Ka Teryang hilot di nya binanggit kay tukne ang nasaksihan.
Habang tumatagal ay natatanggapa na ng magasawa kung bakit ganoon ang hitsura ng kanilang anak.basta ang alam nila ay hulog sya ng langit.Kahit ganoon ang hitsura ni Bebang ay mahal na mahal sya ng kanyang mga magulang. May kagandahan pa rin syang taglay kahit puro nunal ang mukha nito at malaking bilog na nunal sa ilong nya.ngunit ganoon pa man naging tampuhan sya ng mga tukso ng mga kaklase nya at mga kalaro. Isang araw habang papauwi siya ay napagdiskatihan sya ng kanyang mga kamag aral at ang pinuno ay si Lukring. Habang nglalakad si TEKLA AY binato sya ng Kamatis at tumama sa ilong nito napisak ang kamatis sa ilong nya. Nagtawanan ang mga kaklase nya at sya ay umiiyak.tatakbo sana sya ngunit hinarang sya ni LUKRING.
LUKRING: at saan ka pupunta ka TEKLA?
TEKLA: LUKRING Maawa ka sa akin. Hindi ako lalaban sayo? Parang awa mo na padaanin mo ko.
LUKRING:eh kung ayaw ko ano gagawin moh?
Walang nagawa si TEKLA kundi ang umiwas dito at ng pagiwas nya ay itinulak sya ni LUKRING. Eksakto namang sa pagtulak nya ay dumapo sya TAE ng Kalabaw at tumama sa mukha nito. Nagtawanan ang lahat ng nakakkita sa kanya.At si di Kalayuan ay may Sumigaw “ Itigil nyo yan”. Si Jepoy. Ang uniko hijo ni Don Mayor at nagiisang tagapagmana ng lahat lahat ng kayamanan nito.
Jepoy: Sino ang may kagagawan nito? Maang na tanong nya!
Walang sumasagot kung sino ang may kagagawan.\
Jepoy: Ikaw na nman ang may kagagawan nito noh LUKRING?
LUKRING: Eh ano ngayon kung ako ang may kagagawan ha?”
Hindi nakatiis si jepoy at itinulak nya ito naduwal si LUKRING at sya namang dating ng mga kaibigang lalaki nito. Pinagtulungan sya ng mga ito ng makita ni TEKLA na nahihirapan ito tinulungan niya ito. Pinaghahampas ni TEKLA ang mga ito ng Bag nya ngunit di pa rin sila umaayaw sa kakasipa kay Jepoy. At may biglang may tumulong sa kanilang dalawa? Si KULASA AT Si BERTO ang mga magiging kaibigan ni TEKLA. Tinulungan nila ang dalawa at sya namang dating ng mga guro.naawat din silang lahat.Kahit puro TAE ang Mukha nito ay pinunasan pa rin nya ang mukha ni TEKLA.sa mumunting puso ni TEKLA may nararamdaman na ang munting puso nito.
Naging Mabuting magkakaibigan sina TEKLA at JEPOY pati na rin sina KULASA at BERTO.Dumating ang punto na nasa pang apat na sila sa High School at magkakaklase sila.Malapit na silang magtapos. Habang nagpipiknik sila sa sapa ay kanilang napgusapan kung saang eskuwelahan sila papasok.
KULASA: oy BERTO nga pala saan ka papasok Sa Kolehiyo.?
BERTO: Kung saan ka KULASA doon din ako. Alam mo namang love na love kita eh.” sabay kurut sa pisngi nito. Natatawa man si KULASA ay batok ang ibinigay nito sa kanya.
KULASA: pak! Puro ka kalokohan.
BERTO: aray ko.! Totoo nman yun ah.mahal naman kita ah..
KULASA: Tsee! O kayong dalawa saan kayo papasok?
JEPOY: di ko alam eh baka sa maynila ako dalhin ni PAPA.'
Biglang nanahimik ang lahat na wari'y biglang nalungkot.
JEPOY: Ikaw TEKLA? Saan ka ba papasok?
TEKLA: hindi ko alam eh. Wala nman kasi kming Pera pambayad ng kolehiyo ko. Alam nyo nman kun anong buhay meron ako. Sabay punas sa ilong sa nangingintab na Nunal nya.
Lingid sa kaalaman ng lahat may masamang pangyayari na di inaasahan. Si DON MAYOR ang malupit na haciendero sa kanilang lugar. Gagawin ang lahat makamkam lamang ang lahat ng lupain sa kanilang lugar.
DON MAYOR: Ano mga bata? Hindi pa ba Pumapayag si KA TUKNE na ibenta ang kanyang lupain?
Alagad1: Don Mayor: Kahit anong pilit namin mukhang di papayag yang si KA TUKNE.
Alagad2: OO nga Boss! At ang sabi nya ay ipaglalaban ya ito ng patayan kahit anong mangyari eh di raw nya ito ibebenta kahit kanino. Kahit sa inyo.
DON MAYOR: ah ganon?o cge ako na ang pupunta sa kanila.ito na ang huling pagkakataon na aalukin ko sya..kung hindi pa rin papayag hehehe alam nyo na kung ano ang mangyayari. Ihanda ang mga sasakyan.
Sa Bahay nina TEKLA ay maya magandang balita ang kanyang Ama.Nakaipon kasi ang kanyang ama sa pagsasaka para sa pagaaral ni TEKLA sa maynila. Habang kumakain sila ay nabanggit na nya ito. Laking tuwa ni TEKLA ng Malaman nya ito.tuwang tuwa sya dahil makakapunta sya ng maynila at makakapagaral at para na rin kay JEPOY.Ganun na lamang ang pagkabigla nila ng dumating sa tapat ng bahay nila ang isang magarang sasakyan.lumabas si KA Tukne upang tingnan kung sino ang dumating.
Ka Tukne: O Don Mayor kayo pla? Napasyalho kayo.?
Don Mayor: Ka Tukne ako di na magpapaligoy ligoy pa. Alam mo nman cguro kung ano ang aking pakay dito. Huling alok ko sayo 3 Milyong piso para sa lupain mo.
Ka Tukne: Don Mayor ipagpaumanhin po ninyo ngunit ito'y di ko pinagbebenta.ito'y aking namana pa sa aking mga ninuno.kaya kayo'y makakaalis na.
Don Mayor: isang pagkakataon pa ka Tukne. Pagisipan nyong mabuti ang aking alok. Payag ka o hinde?
KA Tukne: ipagpaumanhin mo Don Mayor. Ngunit ito'y di ko ipagbebenta.
Don MAYOR: ganun ba KA Tukne? Pasensyahan na lamang tayo.tara na mga bata!
At silay umalis na habang nasa sasakyan sila isang plano ang kanilang gagawin mamayang gabi.
Gabi. Habang kumakain sila ay naitanong ni TEKLA sa kanyang ama kung ano ang Pakay ng Ama ni JEPOY sa kanya.
TEKLA: ama ano po ang ginagawa ni Don Mayor dito kanina?
KA TUKNE: hay nku anak ayun.pinipilit na nman akong ibenta sa kanyan itong lupain natin. Alam mo nmang mahal na mahal ko ang lupain na ito at namana ko pa ito sa mga lolo't lola mo.
Ka Bebang:oo nga nman anak. At mahal na mahal namin ang lugar na ito anak. At gusto nmin itong ipamana sayo ito, alm mo nman na wala kming mga kamag anak dito at nagiisa ka lamang sa buhay namin.
TEKLA: di ko naman po kailangan yan inay” bulung nito;
Ka Bebang: Ano kamo?
TEKLA: ah wala po inay. Kain na po tayo!'' di ko naman po kailngan yan dahil mayaman ang mapapangasawa ko. Bulong nito sa sarili.
Nang biglag may kumatok sa pintuan. Tok!tok!tok!
Ka Tukne: Sino yan?! Gabing gabi na eh.
Ng buksan ni katukne ang pinto ay isang lalaking naka takip sa mukha ang bumungad at may hawak na baril. Itinulak papasok si ka Tukne. Nagulat sina ka Bebang at TEKLA.takot na takot sila ng hawakan si ka tukne at sinuntok sa Tiyan.
Sabi ng isa sa mga nakatakip ang maskara.
Nakamaskara1: o Ka tukne kasalanan mo ito ayaw mong sumunod sa amo nmin eh.
Ka Tukne: At sinong amo nyo wala akong kasalanan sa inyo.
Nakamaskara2:Kung ibenenta mo na ang yung lupa di na sana akyo mapapahamak.
NakamasKara1: tanga! bakit mo sinabi yun” sabay batok sa ulo nito.
Nakamaskara2:ah oo nga pla..ahehe. Di bale di nman sila makakapagsumbong eh daihil huling gabi na nila ito.aheheh
Nakamaskara1: uhmm sabagay,.hahaha cge itali na ang mga yan.
Nakamaskara3: teka teka, wala yta sa usapan yan ah?
Nakamaskara2: wla nga eh pano kung nalaman nila na si Don Mayor ang may pakana nito di huli ang boss natin.
Nakamaskara1:ang tanga mo talaga.'' Sabay batok ulit.bkit mo sinabi kung sino ang boss natin sira ka talga..
Nakamaskara2:sori boss nadulas ako eh.
Nakamaskara1:sige na itali na ang mga yan.
Ka Tukne: ang hayop na Don Mayor pala ang may pakana ng lahat ng ito. Hinde nyo magagalaw ang pamilya ko.
Sabay sugod sa isang nakamaskara.nagpambuno sila sa baril at bigla itong pumutok tinamaan si kaTukne. At duguang humandusay ito. Sabay sugod din si Ka Bebang at binaril din nya ito.duguang humandusay si Ka bebang at humahagulgul na lumapit si TEKLA.
TEKLA: Itay! Inay! Huhuhu..wag nyo po akong iiwan huhuhu.
Ka Bebang:Anak.Tumakbo ka na. Iligtas mo ang sarili moh.ipangako mong mabubuhay ka. Tumakbo ka na anak.. mahal na mahal ka namin.
TEKLA: Itay! Inay!huhuhuhu..
Nang aktong dadamputin na ng nakamaskara si TEKLA ay sya namang tayo nito at tumakbo sa likod ng kubo, hinabol sya ng tatlo.
Nakamaskara1:Putsa lagot tyo nito. Kailangang makuha natin ang bata kundi lagot tayo.
TEKLA: Diyos ko wag nyo po akong pababayaan.'' takbo sya nang takbo. Sa kakatakbo ni Tekla ay may bangin na sa kanyang harapan. Biglang nalaglag si TEKLA sa bangin. Nagulat na lamang sila ng mawala si TEKLA.
Kinabukasan sa bahay nina TEKLA ay nagkakagulo ang mga tao, andun din si KULASA AT SI BERTO pati na rin si JEPOY.nakita nila ang duguang magasawa na wala ng buhay. Iyak ng iyak si KULASA hinahanap si TEKLA pero di nila ito mahanap.
KULASA: huhuhu nasaan na kaya si TEKLA? Berto huhuhu.
BERTO: di ko rin alam KULASA. Sana nasa mabuti syang kalagayan.at ligtas.
Ng darating naman si JEPoY sa knila, biglang nagalit si KULASA ng makita si JEPOY.
KULASA: Kasalanan nyo ito jepoy, dahil sa kasakiman ng ama mo ay dalawang buhay ang nawala at ang masakit di natin alam kung nasaan si Tekla..kung buhay pa ba ito o hinde na.huhuhu'' iyak ni KULASA. Kasalanan mo ito JEPOY. Kasalanan mo.
JEPOY: wala akong kasalanan KULASA di ko alm ang mga pinagsasabi mo.
KULASA:Anong hinde kasalanan mo ito ang iyong Ama.
JEPOY: wag mong idadamay ang ama ko dito ko KULASA.
BERTO: KULASA Tama na yan!
KULASA: anong hinde, hindi bat ang ama mo lang ang gustong makamkam ang laht ng lupain dito sa ating lugar.
BERTO: ibig mong sabihin ang TATAY nya ang may kagagawan na laht ng ito?
KULASA: oo berto. Kahit ang aking ama ay tinakot nila noon upang maibenta ang kalahati ng aming sinasaka sa knila.
JEPOY: hinde totoo yan. KULASA. Hindi totoo yan..'' sabay takbo pauwi ni Jepoy.
Samantala sa gubat si TEKLA ay nwalan ng malay ng malaglag sa Bangin. Isang babae ang nakapulot sa kniya at dinala nya ito sa kaniyang kubo sa kagubatan..
CHAPTER TWO LINK
hahaha... can't wait for chapter 2! :)) nice one artee! :p
ReplyDeletebukas meron na yan.ahahah
ReplyDeleteartee...CHAPTER 3 NA...asan na?? hahaha
ReplyDeleteHi Guys
ReplyDelete